Image result for mrt at lrt


MRT AT LRT Maraming Pilipino ang nagdurusa sa araw-araw na ma­habang pila sa mga station ng Metro Rail Transit­ (MRT) at Light Rail Transit (LRT). Bahagi na sa buhay ng mga commuters ang isang mahabang pila sa istasyon. Walang magawa ang mga commuters kundi ang tanggapin nalang ang sitwasyon ito. Dahil wala nang mapag pipiliang masakyan patungo sa kanilang trabaho , paaralan at iba pang pupuntahan. Subalit ang iba ay napipilitan nalang na sumakay ng Bus o jeep. Nagtitiis na lang ang mga commuters sa LRT at MRT at umaasa na balang araw ay mai-improve ang serbisyo. "Mainit, siksikan, mahabang pila at pasira-sira" ganito ilarawan ng isang manong ang kanyang byahe bago pumasok sa trabaho. Bukod sa mahabang pila araw-araw, madalas ding masiraan ang mga bagon ng LRT at MRT. Tuwing may problema, umaabot ng higit sa isang oras bago maisaayos ulit. Minsan nasa kalagitnaan ng byahe, titirik ang LRT o MRT. Mapipilitang bumaba at maglakad ang mga commuters sa gitna ng sikat ng araw. Mas lumala ang reklamo ng mga commuters sa mahigpit na tinututulan ang pagtataas ng pamasahe sa LRT at MRT. Mula sa P10 na naging P13 para sa minimum fare at mula P15 na tumaas para sa full stretch fare. Hindi raw ito dapat ipatupad dahil palpak naman ang serbisyong ibinabahagi nila. Mas nararapat na ma-improve pa ang serbisyo ng MRT at LRT bago mag rekomenda ng mataas na pasahe.

Mga Komento